Ang website na ito ay tamang lugar upang matuto ng Korean language online sa walang presyong kapalit. Ang mga nilalaman, lalong lalo na ang mga artikulo rito ay mayroong copyright sa maykatha at sa KLT101
Sa araling ito matututo kang magsulat sa Hangul at iba pang bagay na ukol dito rito. Ang Hangul ay ang alpabetong ginagamit sa Korean sa kasalukuyang panahon. Ito ay ginawa sa panahon ng Sejong Dynasty bandang ika-15 siglo.
Ang araling ito ay tumatalakay sa batayang estruktura ng pangungusap sa Korean. Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
Sa araling ito iyong matutunan ang pagbabanghay ng mga pandiwa o salitang galaw. Ang mga pagbabanghay na tinatalakay rito ay may tatlong panahunan; ang pangnagdaang panahunan, ang kasalukuyang panahunan, at ang panghinaharap.
Dito ating tatalakayin ang tamang paggamit sa mga salitang tumutukoy sa lugar at kung papaano ito gamitin sa isang pangungusap, at sa araling ito tinatalakay rin ang patungkol sa mga pang-ukol na batay sa pang-araw-araw na ginagamit.
Sa araling ito natin tatalakayin ang paggamit sa mumong 도 ( particle 도 ) na ang ibig sabihin ay rin o din na ginagamit kasama ang pangalan na tinutukoy nito, maaaring direktang paksa/bagay o pahilig na bagay.
Dito ating ipagpapatuloy ang paglalakbay sa lengwahe ng Korean at ating tatalakayin ang tungkol sa pagpapasigla ng pangalan gamit ang pang-uri. Ito ay tinatawag na animacy sa wikang Ingles.
Sa araling ito ating pagaaralan ang pananakop ng isang persona sa isang bagay. Sa pamamagitan ng paggamit ng mumo, ang 의. Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na "possesive marker(s)".
Atin ditong tatalakayin ang pagkakaiba ng dalawang mumo, ang ~에 at ~에서 na parehas ginagamit upang tukuyin ang lugar na pinagganapan sa nasabing pangungusap na inilalahad.
Gaya ng ~도 ito ay mumo na ginagamit kasama ang pangngalan na ginaganapan, ngunit ang ibig nitong sabihin ay "tangi", "lang", "lamang". At ito ay ginagamit bilang pang-abay sa pangungusap.
Ito ay tinatawag na Predicate Negation sa wikang Ingles. Ito ay isinasagawa upang gawing negatibo ang panaguring ginamit sa isang pangungusap.
Ang Hanja ay hiram na kaligrapya mula sa bansang Tsina at ito rin ay ginamit sa lengwahe ng Korean, bagama't hindi na ito kadalasang gamit ito ay mahalaga paring matutunan.
Hindi gaya sa Tagalog meron tayong mga salitang ginagamit bilang pamalit sa pangngalan ng ikalawang persona, ang "ikaw" para sa isa at "kayo" naman para sa pangmarami.
Mayroong siyam na mga uri ng pang-abay: pamanahon, panlunan, pamaraan, pang-agam, panang-ayon, pananggi, panggaano (tinatawag ding pampanukat), pamitagan, at panulaad. Ang pang-abay ay ang mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at sa kapwa pang-abay.
Ang araling ito ay tatalakay sa mga 'di direktang sugnay na patungkol o kumokonekta sa pangunahin o direktang sugnay ng naturang pangungusap sa mga pasubaling pandiwa.
Sa araling ito ating matutunan ang paggawa o pagbuo ng mga pangungusap na nagtatanong at naguusisa ng mga bagay-bagay na patungkol rito.
Ang 이다 ay isang payak na anyo ng pandiwang "maging" o "to be" sa wikang Ingles. Ito rin ay isa sa mga karaniwang pandiwa sa wikang Korean.
Sa wikang Ingles ito ay tinatawag na comparative and superlative kung saan ang pangungusap ay naghahambing ng isa o mas marami pang bagay sa pamamagitan ng pang-uri.
~과/와, ~랑/이랑, at ~하고 ang mga salitang ginagamit upang makabuo ng ibig sabihing "at" at/o "o" kasama ang mga pangngalan.