Balik aral po muna tayo mula sa huli kong post. Ang korean ay merong
tatlong repect types:
1. Infomal Low Respect - ginagamit ito ng mga Korean kapag
nakikipagusap sa kaibigan o sa mga kaclose na tao.
2. Informal High Respect- parang yung number 1 rin pero dito naman
yung nagpapakita sila ng paggalang. Dinadagdag ang sentence ng "요[yo]"
sa dulo kapag ang respect na ito ang ginagamit.
3. Formal High Respect - ito yung pinakamataas na respeto nila
ginagamit ito sa mga boss, lolo, lola, etc. Dinadagdagan ng "ㅂ니다[bnida]"
ang sentence kapag nagtatapos sa vowel at "seupnida" naman kapag
consonant.
Balik na po tayo sa conjugations. Ano po yung conjugation koyah?
Ang conjugation po ay ang inflection ng verb or adjective, ito po
yung maaring gawing tapos na, ginagawa palang, o gagawin palang (
in English: Past, Present, and Future tense ). Halimbawa yung word
na "kain":
Past: Kumain
Present: Kumakain
Future: Kakain
Sa korean, meron din po sila nyan ( actually lahat ng language ).
Yung mga verbs and adjectives po nila na nagtatapos sa syllable
"다[da]" or "하다[hada]" ay dictionary form lang po. Kapag po ginamit nyo
ito sa isang sentence na hindi conjugated eh medyo hindi po nila
kayo maiintindihan. As a matter of fact, ginagamit din naman po
nila ito kahit hindi conjugated pero hindi sya sa sentence, bilang
isang word lang talaga. So simulan na natin!
먹다[meokda] = to eat
가다[gada] = go
Verbs
Present tense:
Sa present tense po ng verb kelangan po nating tanggalin muna yung
da sa dulo. Example:
먹[meok]
Then hindi pa po yan tapos. Hindi ba't ang last vowel ng meok ay
"어[eo]"? Kapag ang last vowel ay hindi "ㅏ[a]" or "ㅗ[o]" ang
idadagdag ay "어[eo]". So magiging:
먹어[meok-eo] = eating ( informal low )
먹어요[meok-eoyo] = eating ( informal high )
먹습니다[meokseupnida] = eating ( formal high )
Paano naman po kapag "ㅏ[a]" or "ㅗ[o]" ang last vowel? Let's have and
example the word "gada", so let's remove the da at the end of
the verb:
가[ga]
Then add "ㅏ[a]" because the stem "가[ga]" ends in "ㅏ[a]" ( or "ㅗ[o]"
). So it will become:
가아[gaa]
But "gaa" is wrong. Magiging "ga" parin sya kasi kapag binabanggit
po yan or pinopronouce eh magiging "ga" parin naman ang sound nyan.
Kaya:
가[ga] = going ( informal low )
가요[gayo] = going ( informal high )
갑니다[gabnida] = going ( formal high )
**Remember: Dinadagdagan ng "bnida" ang sentence kapag nagtatapos
sa vowel at "seupnida" naman kapag consonant.
So tapos na tayo sa present tense. Keep fighting. Let's move to
past tense. ^_^.
Past tense
Sa past tense naman kung "아[a]" or "어[eo]" ang idinadadagdag, dito sa
past tense ang "아[a]" ay magiging "았[ass]" (please don't miss
understand) or "었[eoss]". Rules:
- Tanggalin muna yung da sa dulo.
- Kapag ang last vowel ay hindi "ㅏ[a]" or "ㅗ[o]" ang idadagdag ay "었[eoss]".
- Kapag ang last vowel ay "ㅏ[a]" or "ㅗ[o]" ang idadagdag ay "았[ass]".
먹었어요[meok-eoss-eo] = ate ( informal low )
먹었어요[meok-eoss-eoyo] = ate ( informal high )
먹었습니다[meok-eossseupnida] = ate ( formal high )
갔어[gass-eo] = went ( informal low )
갔어요[gass-eoyo] = went ( informal high )
갔습니다[gassseupnida] = went ( formal high )
Tandaan nyo po yung pag-merge ng "가[ga]" kase po iisa lang naman yung
sound ng dulo nya sa "ass" kaya pinagdikit na po.That's a pretty
cool conjugation for Korean past tense verb or adjective.
Future Tense
Ang part na po ito ang pinakamadali sa lahat. Just remove the "다[da]"
at the end of a verb or adjective then add "겠[gess]". Example:
먹겠어[meokgess-eo] = will eat ( informal low )
먹겠어요[meokgess-eoyo] = will eat ( informal high )
먹겠습니다[meokgessseupnida] = will eat ( formal high )
가겠어요[gagess-eo] = will go ( informal low )
가겠어요[gagess-eoyo] = will go ( informal high )
가겠습니다[gagessseupnida] = will go ( formal high )
Ngayun pwede na nating gamitin sa sentence ang mga natutunan natin:
저는 밥을 먹겠어요[Jeoneun bab-eul meokgess-eo] = I will eat rice. (informal low)
( I[neun/eun] bab[eul/reul] will eat )
저는 밥을 먹겠어요[Jeoneun bab-eul meokgess-eoyo] = I will eat rice. (informal high)
( I[neun/eun] bab[eul/reul] will eat )
저는 밥을 먹겠습니다[Jeoneun bab-eul meokgessseupnida] = I will eat rice. (formal high)
( I[neun/eun] bab[eul/reul] will eat )
Meron pong nagtatanong sakin bakit yung "haengbokhada" hindi conjugated as
"haengbokha-a". So ngaun ko po ituturo yung mga nalampasan ko.
Bago ko muna ipaliwanag kung paano nangyayare yun ito po muna ituro ko.
We have the word:
짓다 ( jisda [jitda] ) = bumuo
So ang stem po is:
짓(jit)
Bakit? Kase po tinangal natin yung 다 ( da ) sa dulo. Kapag po ang dulo ng
isang stem is letter "ㅅ(s)" tinatanggal po yan. Bakit?
짓(jit) (stem)
짓다(jitda) (dictionary form)
짓어(jis-suh) = wrong
Magiiba po kase yung sound kapag may letter "ㅅ(s)" paren sa dulo, pero kapag
tinanggal sya magiging:
지어 (ji-eo) = building
Diba po medyo katunog pa? Ito pa po yung ibang rules:
걷다 (geodda [ geotda ] ) = to walk
Kapag po ang dulo ng stem ay letter "ㄷ(d)" papaltan po sya ng letter "ㄹ(r/l)".
Example:
So magiging: 걸(geol) sya. Pero dahil last vowel nya is ㅓ (eo) kaya magiging:
걸어 (geol-eo) = walk
Paano naman kapag ang dulo is: 하다 ( hada )? Magiging 해 (hae) po yung 하다
( hada ). Example:
사랑하다(saranghada) = to love
사랑해(saranghae) = loving
Kapag naman po ang dulo ng stem is ㅂ(b) mapapaltan po sya ng 우(u). Example:
어렵다(eoryeopda) = difficult
Remove the ㅂ(b) from the stem:
어려(eoryeo) then add 우(u). Then add 어 kase po ang last vowel nya is
ㅕ(yeo):
어려우어(eoryeo-u-eo) At dahil pwedeng pagdugtungin yung dulo ng word
pwede syang maging:
어려워(eo-ryeowo)
What if ang last vowel naman is ㅡ(eu)? Let's have the word:
잠그다(jamgeuda) = lock up
So ano ang vowel bago ang ㅡ(eu) ay ㅏ(a). Kaya magiging:
잠가(jamga) = lock
Next time po baka places and other particles naman ituturo ko.
I hope you learned something new again.